Mt. Gola x Manalmon : "clef na twin " (Biak na bato national park)
- Philip John Delatorre
- Jun 21, 2020
- 3 min read
Updated: Jun 28, 2020
" history repeat's it self. sarap ulit ulitin, sarap balik-balikan."

Recommended sa mga baguhan or gusto ma experience and mountain climbing. at kung saktong chill climb at gusto mo lang lumabas at mag pahangin. maraming activities ang pwedng gawin dito sa biak na bato national park bukod sa pag akyat sa dalawang "clef twin". May caving,Monkey wrench, swimming or pwde ka lang mag latag at mag ihaw ng nang kung anek anek. napaka sarap tumambay dito kung malapit ka lang.
Well, napaka easy lang akyatin tong dalawa na to saktong assault at napaka sarap na long walk. so pag tapos nyo mag register sa baba ang una ay papasok kayo sa kweba kung saan marami kang makikita na mga kakaibang rock formation. tapos river crossing at kayo ang mamimili kung anong gusto nyong unahing akyatin, so ang pinili naming Mother dear ay ang Mt. Manalmon maglalakad ka sa napakagandang kabukiran, mga matatayog na puno ng manga at maririnig mo ang mga song birds. well ang mga assualt dito ay papahirapan ka. steep at matutulis na bato ang mga freeny dito so kung ang kamay mo ay foam malamang need mo mag gloves. mga 30 mins na banatan ng binti at unatan ng mga kamay. pag nakita mo na ang napakalaking bato ay mamangha ka sa sobrang ganda ng scenic view dito at konting push pa sa peak kung saan mo makikita ang lugar kung saan binasbasan si zimba.
napakagandang scenic view at amazing na mga photo ops ang pwdeng gawin nasa imagination mo na lang yan. Isang mystical na kwento rito ang binahagi ng guide namin tungkol bakit Manalmon ang tawag dito. Meron daw isang lalake na pumatay ng hayop sa kabundukan dito at sinubukan pitasin ang bulaklak sa pinaka tuktuk, dumating ang diwata na nag anyong ibon at sinumpa ang lalake at nilamon siya ng malaking bato at kaya hinango ang pangalan nito sa "Lamon" o "Manglalamon".
Pagkatapos ng mga 1 hour na photo ops so baba ulit. so dadaan ka ulit sa mga pasakit at after an hour or so balik ulit sa river crossing at lipat naman sa trail ng Mother dear na Mt. Gola. dito medyo mahaba at maganda ang assault, challenging ika nga. pero pag natapos mo ang lahat ng to at makita ang plateau ng gola ay ma aamaze ka sa sobrang gandang view. napakalawak na gubat at ang mahabang ilog. ang mga matutulis na bato sa daan ay bibigyan ka ng magandang souvenir dito. may kwento ang mga guide dito, dito daw tinatapon ang mga bangkay nung panahon ng hapon dito rin daw pinupugutan ng ulo ang mga kababayanan natin, kaya daw tinawag na gola dahil sa salitang "gulong" o "ulo".
MT. MANALMON X GOLA
San Miguel, Bulacan
Major jump-off: Sitio Madlum, Brgy. Sibul, San Miguel
LLA: 15°15.11’N; 121°1.22′ E; 196+ MASL
Days required / Hours to summit: Half-day / 1 to 2 hour each mountain.
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail class 1-2
So dahil National park ito, Madaling ito puntahan maraming accessible na daan. pero dahil mahilig tayo sa hassle at adventure eto ang shared cookies sa D.I.Y, pero ang rate ng tour dito ay around 8h-1k depende sympre sa travel and tours.
Cubao or Pasay to San Miguel Bulacan (Bus fare is 130 - 200php) [Baliwag Transit, ES Transport, and Five Star Transport] tell the conductor to drop you off at Brgy. Sibul.
At Brgy. Sibul, sumakay ng tricycle to jumpoff at Brgy Madlum (P200/tricycle, max 4 persons). This trike trip takes 40 minutes.
Estimated Total Expenses :
Transportation: 400 php one way x 2 = 800 php
Registration : 100php per head
Tour Guide : 300php per 5 heads per mountain x 2 = 600 php
other expenses like, tables and tent pitching ask the tindahan or sa mga lokals. cool ng mga lokals dito.
Kung trip mo sumama sa mga adventures check mo this https://www.facebook.com/Voyageurstories/ the pirate crew
Thank you kung umabot ka dito appreciated at minsan tanongin mo rin ang sarili mo kung ano nga ba ang gusto mo.
#golaxmanalmon#vstories#vs
ความคิดเห็น