Quarantine Travel: Singalong Nature Campsite Hill
- Philip John Delatorre
- Sep 21, 2020
- 3 min read
"Quick Trip, stress relief, break free. nakakabaliw na sa loob ng bahay at kailangan mo lumanghap ng sariwang hangin. "

Sobrang bagot at sobrang nakakamiss na ang mga ganitong eksena, lalabas maglutolutoan, saktong tent lang ang kasama or hammock, tamang inom at tamang bonfire. kape sa umaga at masarap na hangin at tunog ng mga kung ano anong hayop sa paligid. sikat ng araw at buhos ng nakapasarap na ulan. mga bagay na sa labas mo lang matatagpuan. putik at maalat na pawis, mahabang lakaran at ang bitbit mo ang mga gamit mo lang para mabuhay.
Well, ang O.A ng intro pero sobrang break free pag galing ka sa 7 months na quarantine sa bahay. mga paulit ulit na bagay, nakakapagod din pala lalo na pag sanay ka sa labas at sa mga aktibong bagay. lalo na kung wala ka talagang outlet para mailabas ang stress sa araw-araw na trabaho, iniisip kung kelan babalik ang mundo sa dating sitwasyon. mga nakakapraning na tanong, mga ibat ibang uri ng emosyon na mararamdaman mo sa apat na sulok ng kwarto.
Tama na siguro sa hugot at kung anong mga ka wierduhan na sitwasyon. so ibibigay ko ang mga tips and trips namin ng pumunta kami dito sa spot ng antipolo. safe ang place at napaka bait ng mga guide.
Singalong Nature Campsite Hill
Antipolo, Rizal
Major jumpoff: Singalong chapel
Days required / Hours to summit: 1 day / 2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 1/9, Trail class 1-3
Features: Tropical forest, river trek
Dahil limitado ang transportasyon ngaun pandemic mas hindi hassle kung may sasakyan kayo. pero dahil wala naman kami ganun kaya eto ang I.T namin at total expenses namin sa Quarantine Trip na ito.
First dapat dala nyo na lahat ng gamit nyo, pang luto at mga utensil, pwde mag luto doon kaso ung dirty kitchen ang gamit nyo need nyu mag paayos sa kahoy or uling para mag luto at pwde rin kayong mang hiram ng utensil. Also tubig na inumin kung medyo maarte ang mga tyan nyo sa tubig. mahal ang tubig doon sa taas 160 ang isa. pwde naman kayo mag sabi at dumaan sa talipapa para bumili ng inyong kailangan. pero mas ok kung prepared na kayo sa lahat.
Starting point ang chapel at doon kayo lahat mag aantay para ihatid sa campsite. sasakay kayo sa napakagaling na driver ng owner. mga 30 mins ang lakbayin at pag tapos ay mag lalakad kayo ng 1 hour para umakyat sa campsite daan kayo sa sapa. well wala namang matarik maliban lang pag malapit ka na sa campsite. dahil medyo stock ang cardio dahil sa pandemic at dagdagan ng timbang dahil sa food trip ng 7 months ayon pagod ung iba wasak. may mini falls na madadaan at doon din ang water source na inumin. so dapat tandaan mo kung saan banda yun dahil dun ka kukuha pag wala kang dala ng tubig.
kung gusto mo naman pwde ka naman mag pa utos sa mga guide na mag pa bili ng bayan sa centro at kung ano-ano pang mga bagay na nakalimutan ninyo. take note pag maulan maputik ang lugar at dahil sa hillside ng bundok ang spot medyo slant lagi ang lakad medyo challenging ang pag tayo. isa pa pwde rin pala kayo mag camp sa peak mas ok ung spot pero medyo nakakapagod nga lang bumababa para mag c.r or kung may bibilhin ka sa tindahan dapat lahat ng kailangan nyo dala nyo na kung sa peak kayo pwepwesto.
nakakamiss talaga ang pagod ng lamyerda at mga bagay na ginagawa sa labas. tawanan at kulitan ung team work sa mga gawain at higit sa lahat ang sharing ng mga experiences. nakakabasag ng kapraningan ang mga ganitong eksena nakakabitin nga kung pwde lang mag stay ng dalawa or tatlo kung wala ka lang trabaho sa syudad.
" Well Thank you sa pagbabasa or sa pagpunta dito Appreciated."
IT and Total Expenses D.I.Y
So for the sake of sharing of cookies at umabot ka dito.
So dahil ang alam lang namin na sakayan ngaun ay sa cubao.
Cubao (gateway) Bus to Robinson Antipolo (P 25 one way)
Robinson at sumakay ng trike to alfamart San jose (P 120 solo 150 two person)
Alfamart- susunduin ka ng trike or whatever.
Then sa starting point ka na sa chapel.
Total Expenses :
Transportation = 145 x 2 290
Thank you for reading this shit. Another favor and just another helping hand please like my page for more info and if you want to join the adventures of the pirate crew! https://www.facebook.com/Voyageurstories/
Thank you and see you in the horizon.
Comments