top of page
Search

Mt. Paliparan :"Akyat,baba,diretso."

Updated: Jun 23, 2020

" Aakyat at baba'ba di-diretso,liko dito liko doon up and down left and right."




Eto yung na biglaan, ung sobrang bored ninyo kaya naghanap kayo ng "easy daw" sabi nila minor. kesyo asa 500+ lang ang ASL mother dear small but terrible ang isang to. challenging ang mga kakaharapin mo dito pero sorbang sulit ang lahat after mo matapos ang up and down. sa pag kalap ko ng mga info dito akala ko lang talaga saktong walking lang at tamang chill climb yung mga hanap namin sa mga oras na to.


So iba yung nahanap namin, nag motor kami papunta dito so kaming limang magigiting na bored sa buhay ay sinubukan ang small but terrible na bundok na to. nag start kami ng 5am so kala namin talaga chill lang tumambad ang assault at mga rock climbing shit samahan mo ng paikot na trail at ng inakyat namin to di pa nahahawanan ang trail (di pa nagagawan ng magandang daan masukal sukal pa.) tagtag ang mga espiritu namin sa assault at samahan mo ng mga mahabang walking at river crossing. napakaganda ng peak nito makikita mo ang windmill at ang bayan ng tanay ang magandang kabundukan ng sierra madre at higit sa lahat ang nagpatong rock formation. sobrang challenging ang trail ng MT. Paliparan dont cha ever underestimate this Mother dear.


Mt. Paliparan (562+)


Trailhead: Barangay Hall, Brgy. Cuyambay, Tanay

LLA: 562 MASL (Peak 2 / “summit”)

Days required / Hours to summit: 1 day / 2.5-4 hours

Specs: Minor climb, Difficulty 4/9 +R (with rock precaution), Trail class 1-5

Features: Rock formations, scenic views, waterfalls, Dumagat village


How to get there? For D.I.Y eto po ang shared cookies. regular rates ng organize group is 1k to 8h package per packs.


Edsa-Cubao


  1. first sumakay pa cogeo gate 2 van ( 70php )

  2. Cogeo gate to lipat sa jeep pa Sampaloc (bumababa sa Brgy Cuyambay ) (40php)

  3. Sa arko o sa bukana sumakay ng habal-habal pa Brgy. hall ng Cuyambay  ( 30php )

Vice versa lang pag uwi


Starmall Mandaluyong


  1. Ride a Jeep or a Van pa Tanay ( 80 php )

  2. Tanay proper lipat sa pa Sampaloc jeep (30 php )

  3. Sampaloc proper lipat ulit pa Cogeo 2 na jeep at sabihin brgy Cuyambay lang ( 30 php )

  4. Sa arko ng Cuyambay  ay sumakay ng habal habal pa Brgy hall.Cuyambay  (30 php)

Ganun lang din pauwi baliktarin lang kung trip mo bumalik ng tanay or mag cogeo ka na kung pa cubao naman ang daan mo pauwi.


Total Expenses


Registration : 100php

Tour Guide : 500 php /5pax

Transportaion : 200 one way x 2 400php 

Food: well bahala ka na sa budget mo


" Thank you for your time reading this, very much appreciated lab yah."

If you want to see more information about our adventures please like our Facebook page and you will see our events ng the pirate crew. https://www.facebook.com/Voyageurstories/


#vstories#mtpaliparan#tanay#voyageursstories

 
 
 

Comments


  • Black Facebook Icon

© ProjectOne8ty Created by Wix

bottom of page